OSSEI Feature Writing Workshop, Baguio City, September 18-20 2008 (National Level)
2nd place
"Paano ba ang maging isang dyarista?", tanong ng ilan sa amin ng ilang estudyante. Hindi nakasagot ang ilan sa amin, marahil ayaw nilang magsalita o nahirapan sumagot ang ilan sa amin, marahil ayaw nilang magsalita o nahirapan sumagot sa simpleng tanong. "Masaya, kung titingnan mo pero, walang sarap sa publication, ultimo opisina, parang impyerno, dahil sunog na bahagi ng building ang kinatitirikan nito," wika ng aming executive editor.
Naalala ko pa noong 2005, freshman ako, bulag ang kamalayan ko sa aking paligid, walang pakialam sa kahit na sino man, habol ko lang ay diploma, pero may nag-alok sa akin kung gusto ko bang sumali sa "Student Publication", sumagot ako agad ng oo. Pamatay oras lang kapag walang klase.
Dinala ako sa Administration Building kung saan sa second foo ang opisina nila, nagulat ako. Sunog na kisame, inaanay na ding-ding, lumang computer, kinakalawang na steel cabinets, basag na salamin ng bintana at ang tanging bago lang, ay kaming mga kukuha ng examination para makaranas ng parehong hirap kagaya ng mga editors ng taong iyon.
Gusto ko na sanang mag-backout, pero, pinigilan ako ng isang guro, ang kanilang adviser. Kumuha ako ng exam, pumasa, pero hindi ako writer, lay out artist pala ang posisyon ko.
Ipaliwanag sa akin ang mga bumabalot na kontrobersiya ng sunog na opisina, nag-allot ng 6 million pesos si congressman ganito, 3 million pesos si congressman ganyang. Wala pa ring nangyari simula makuha ang pera, ni isang pako, walaong akong nakita.
Nito lamang Enero, lumaban kami sa isang kompetisyon, national level, nag-photojournalist ako. Wala kaming gamit ng panahon na iyon, wala daw pera ang publication, para lang sa pag-rerelease ng dyaryo. Ang gamit ko, 4.0 megapixel na camera, may 3x zoom lang, hindi katulad ng ibang school na sikat, SLR.
Labag man sa loob ko, lumaban ako, pinalad, nanalo. Napaiyak ako, at may nagsabi sa akin na "ang mata ang susi hindi ang camera, extension lang yan ng mata mo."
Bumalik ako sa campus, pumunta sa opisina ng isang vice president para ipakita ko ang gintong medalya, natuwa, binati ak ng "Congratulations, job well done!"
Doon ko naisip, kailangan mong patunayan na kaylangan may iuwi ka muna para sa kanila para bigyan ka ng pabor. Doon ko rin naisip na magpalakas o sumipsip ka muna bago ka humingi. Pero journalist ako, hindi kaya ng sikmura ko ang bagay na ganito.
(Note from Mr. Maurice, Feature writing lecturer and with Philippine Daily Inquirer
You have a spotaneous way of telling your story on paper. Keep on writing and reading.
Congratulations!)