Pagkatapos magpaalam ni Killua sa kanyang pamilya (kung ikaw ay nagkaroon ng GANGLIA, 2nd edition ng HABI) naiwan si Biakuia, Irumi, Conan at ang iba pa. Pero sa ngayon, lumaki na si Conan, si Shinichi na siya ngayon.
Ang lathalaing ito ay tugon sa iniwang prosa ni Killua. Ika nga eh, reaksyon ng mga damdaming nilisan niya sa tahanan ng aming Ina.
Tama naman talaga lahat ang mga sinsabi ni Killua. May iba nga dyan, nagbabayad ka, wala ka naman makitaan kung saan napupunta ang binabayad mo. At eto, kapag nag aaklas ka, hindi “punitin ang sedula” ang isisigaw mo, kundi, “Nasaan ang RESIBO!” Kung nakukuha mo ang sinasabi ko, dalawang bagay lang yan, maaaring ikaw ay nakakaramdam at may pakiaalam o marahil ay ikaw ang siyang pinatatamaan. Kung hindi naman, ikaw ang tipo ng taong nasa pangatlong pwesto, bedridden na walang pakialam pa sa mundong ginagalawan mo.
Maraming kwento sa likod ng tinaguriang GININTUANG TABING, and guess what, yari sa pinagtagpi-tagping Peso bills ang tabing na ito. Medyo malansa nga lang dahil hindi mo alam kung dirty money or whatsoever ang siste ng teatrong katabi ng poso negro, say mo? (Ang joray!)
Ehem… di po bakla ang inyong lingkod, nakaka-adapt lang sa lugar na kanyang kinikilusan. Sa totoo lang, wala naman mangyayari kung patuloy kang magsasalita nang kung anu-ano laban sa sampung metrong kapal na pader. Hindi talaga ito aaklaban ng kung anu-anong mga salita, pero sulatan mo ng mga dirty signs, tiyak susuka yan! Ikaw ba naman ang mandiri sa sarili mong gawain, ewan ko nga lang kung yun talaga ang maaring mangyari. Prediction. Siguro, kewnto na rin itong maituturing, kasi naman hindi tsismis itong mga pinagsasasabi ko, pero kung ako ang tatanungin, isisigaw nila sa akin, “Nasaan ang pruweba mo!” sagot ko, walang katarata ang mata ko, kaya, nakikita ko.
In addition, walang factory nang tranquilizer ang katawan ko kaya ramdam ko, hindi katulad ng iba d’yan, pasok lang ng pasok, bayad lang ng bayad, tapos, kaming mga dyarista ang iniipit. Well, as far as I am concern, bulok ang gamit namin, naantala pa ang kuryente at ang ginagamit ko ngayon para gawin ang walang kakwenta-kwentang sulatin na ito eh ang laptop ko.
Maiba ako, di naman sa pagiging tsismoso, naulinigan lang ng mga cute kong tainga, dumarami daw ang bilang ng mga ineligible na guro sa Pilipinas, at sa napakahiwagang mundong ginagalawan ko. Ewan ko lang, parang ayokong magsalita tungkol d’yan, ibagsak pa ako ng mga iyan. Ooppssss! Nadulas ata ako. Hahaha! Txt msg b i2?
Mahirap huminga sa makakasulasok na tambutso, pero wala ka naman magagawa, kaylangan, kahit ano pang hangin yan. Malalanghap at malalanghap mo pa rin ang bangis ng hangin mula kay Naruto, este tambutso. Kung nakaramdam ka, natuwa, eh, ikaw na ang bahala, basta ako, nagbigay lang ng mga konting info sa bahay naming ito.
No comments:
Post a Comment